MAMA UNI’S BIRTHDAY 2026 W/ LAUREN & COMET CUTIE CAT (APRIL 2026)

Happy Birthday 2026, Mama Uni 🎂😻❤️🎵👸 Hawak mo ang beat ng puso namin! 💓 We love you the most 💖 Kitty hugs from Lauren & Comet Cutie Cat to our favorite Mama Cat 🤗

Mama Uni, talagang “hawak mo ang beat dito sa pista, ikaw ang dahilan bakit sumisigla” dahil…

Lagi kang excited matuto ng mga bagong bagay—mula sa pagluto ng mga bagong recipes at pagtimpla ng mga herbal concoctions hanggang sa pag-research kung paano mag-set up ng solar panels at magbuo ng DIY power supply stations.

Lagi kang handa gumala. At ang bawat gala ay nagiging masayang adventure pag kasama ka namin—kahit sa grocery, hardware store, food court, mall, Divisoria, at iba pang mga simpleng lugar.

Lagi kang handang makinig sa problema ng iba—kahit marami din tayong problema.

Lagi mong iniisip at inaalagaan ang iba—maging kapamilya, kaibigan, o total strangers. Lagi kang nag-e-effort para mapagaan at mapasaya ang buhay nila—kahit hindi laging magaan at madali ang buhay natin.

Lagi kang handang magmahal ng iba—ma-appreciate man nila ito o hindi.

Kaya naman maraming tunay na nagmamahal sa iyo (kasama na ang iyong mga fans na tumawag at nag-message para bumati sa iyong kaarawan. Salamat po sa lahat! 💝)

Maligayang Bati, Mama Uni 💖 Nagpapasalamat kami sa Panginoong Diyos sa pagkakataon na magdiwang ng iyong kaarawan kasama ka ngayong 2026 💯

Hawak mo ang beat ng puso namin 🎵💓🥁 “Sana huwag mong bibitawan” sa tulong ni Lord Jesus. Panalangin ko na sana ay marami pa tayong taong magkasama sa sayaw ng buhay 🙏 Sapagkat ang mga nakaraang taong kasama ka ang pinakasulit at pinakamasaya sa lahat 💎

Maraming salamat sa pagmamahal at pag-aalaga, Ma. Mahal na mahal ka namin lagi! 🎂💃❤️😘😻

“Oh sing to the LORD a new song, for He has done marvelous things! His right hand and His holy arm have worked salvation for Him… He has remembered His steadfast love and faithfulness to the house of Israel. All the ends of the earth have seen the salvation of our God.” (Psalm 98:1 & 3)

“Sayaw mo pa lang, sagot na sa lahat

Hawak mo ang beat, hawak mo ang gabi

Sa bawat galaw mo, ako’y nabibihag

Hawak mo ang beat, huwag mong bibitawan

Hanggang sa huling tugtog ng sayawan

Hawak mo ang beat sa ilaw at dilim

Ikaw ang ritmo ng damdamin

Hawak mo ang beat dito sa pista

Ikaw ang dahilan bakit sumisigla”

“Hawak Mo Ang Beat”, DJ Mogo

#Birthday #MamaUnisBirthday #MamaUni #2026 #Family #Friends #MamaUniAndLauren #LaurenVMacaraeg #CometCutieCat #CutiengsCats #JesusLovesYou #GodWithUs #Psalm1611 

MAMA UNI’S BIRTHDAY 2026 W/ LAUREN & COMET CUTIE CAT (APRIL 2026) https://laurenvmacaraeg.com/2026/04/07/mama-unis-birthday-2026-w-lauren-comet-cutie-cat-april-2026/

About the author

Lauren V. Macaraeg

Lauren V. Macaraeg is a children's book author and freelance writer. Check out her official website at www.laurenvmacaraeg.com to learn more about Lauren and her book Sinemadyika.

View all posts

1 Comment

Leave a Reply