#HALALAN2022

Nakaboto kami! 🌸 Salamat po, Lord. 🙏🇵🇭☝️ Saludo kami sa Miriam College precinct! Matulungin at efficient ang mga volunteers, lalo sa mga senior citizen at PWD sa lane namin ni Mama Uni (kasama ako dahil puwede ang isang companion). Magalang at good vibes ang mga kapwa botante namin, at least sa batch namin. At higit sa lahat, mga 10x ang dami ng mga bumoto sa Miriam ngayong 2022 kumpara sa mga dating eleksyon. Nagulat kami sa dami ng tao! Nakakatuwa makita ang mga Pilipino na nag-e-effort para manindigan para sa bayan. Kasama na rito ang mga lola at lolong naka-wheelchair at naka-tungkod, pati na ang ilang Pinoy na may kapansanan. Patuloy tayong magdasal para sa milagro habang naghihintay ng resulta. Pagpalain ng Panginoon ang Pilipinas! 🙌🇵🇭🙏 (May 9, 2022)

#Halalan2022 #Eleksyon2022 #Election2022 #Philippines #PrayForThePhilippines

#MamaUniAndLauren

About the author

Lauren V. Macaraeg

Lauren V. Macaraeg is a children's book author and freelance writer. Check out her official website at www.laurenvmacaraeg.com to learn more about Lauren and her book Sinemadyika.

View all posts

Leave a Reply