Eto si Lolo Elmer Cordero, 72 years old. Inaresto at kinulong. Paano siya tatagal ng buhay sa kulungan kung siya ay matanda at mahina? Si Lolo Elmer at ang Piston 6 ay dapat bigyan ng tulong, hindi ikulong. #FreePiston6
Isa si Lolo Elmer sa 6 na jeepney drivers na kabilang sa grupong Piston (Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide) na inaresto. Pinagbintangan silang di tumutupad sa social distancing habang mapayapang nagpro-protesta para payagan ang mga dyip na magbiyahe. Nagugutom at naghihirap na kasi silang mga tsuper dahil matagal nang walang kita. Pero sila ay inaresto at kinulong imbis na bigyan ng tulong. Hanggang ngayon ay nakapiit pa rin sila sa kulungan… kung saan lalong walang social distancing kasi dikit-dikit ang mga tao.
Tulungan natin si Lolo Elmer, ang Piston 6 at ang mga Filipino jeepney drivers & PUV drivers sa pamamagitan ng pag-donate o pag-sign ng petition. Para sa bank transfers, mag-include ng note na nagsasabing #FreePiston6 . Basahin ang Rappler article para sa detalye: https://www.rappler.com/move-ph/262867-help-jeepney-drivers-have-no-income-coronavirus-lockdown .
Original Photo courtesy of Piston (Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide)
#FreePiston6 #JunkTerrorBill #Philippines #Pilipinas #Freedom #Pandemic #COVID19 #Coronavirus #2020 #Help #Prayer
URL Link: http://laurenvmacaraeg.com/2020/06/07/lolo-elmer-piston-6-bigyan-ng-tulong-wag-ikulong-freepiston6/