SANA AY TUNAY NA MAGING MALAYA ANG ATING BANSA…

Sana ay tunay na maging malaya ang ating bansa. Matagal na tayong di malaya, lumala nga lang ang pagkagapos. Kahit sa papel ay mayroon tayong demokrasya, magiging tunay at lubos lang na malaya ang Pilipinas kapag…

…magkaroon ulit tayo ng kalayaan sa pagpapahayag at pananalita.

…mabibigyan kaagad ng sapat na tulong ang lahat ng kailangan ng tulong, lalo sa mga desperadong panahon kagaya nitong pandemya.

…maiaahon mula sa napakalalim na bangin ng kahirapan ang karamihan sa mga mamamayang Pilipino para di na sila kailangang kumapit sa patalim.

…mabibigyan ng sapat na kaalaman at edukasyon ang mga mamamayan para di basta maniwala sa maling paniniwala at pekeng balita.

…magkaroon ng tunay na katarungan, hustisya at kapayapaan ang ating lipunan at matigil ang walang saysay na patayan at pang-aabuso ng kapangyarihan.

…karamihan ng lider ng bansa ay tunay na may malasakit sa mga Pilipino at sa kapakanan ng iba, hindi lang sa sariling kapakanan nila.

…mabago na sa wakas ang lumang sistema ng pamumuno.

…mabigyan ng dignidad at respeto ang bawat mamamayang Pilipino, mahirap man o mayaman.

…tayo mismo ang magmahal at magpahalaga sa ating sariling bansa at sa isa’t isa.

Simulan natin dito, sa kung ano ang magagawa mo, at sa kung ano ang magagawa ko.

Pero kahit kailangan ay gawin natin ang ating bahagi, pinaalala sa akin ng Panginoong Diyos na Siya pa rin ang magmimilagro sa huli.

Sana, sana ay dumating ang panahon na tunay na maging malaya ang ating bansa.

#Kalayaan #Pilipinas #Freedom #Philippines #2020 #LockdownDiary2020 #Lockdown #COVID19 #Coronavirus #ECQ #ExpressDontRepressYourRealFeelings #RealTalk #MagpakatotooKa #Prayer #LaurenVMacaraeg

Blog Post Title: SANA AY TUNAY NA MAGING MALAYA ANG ATING BANSA…

URL Link: http://laurenvmacaraeg.com/2020/05/08/sana-ay-tunay-na-maging-malaya-ang-ating-bansa/

Written by: Lauren V. Macaraeg ✏️

Photo by: Lauren V. Macaraeg 📸 (Kinunan ko ang litratong ito habang naglalakad-lakad ako ngayong umaga 🌅)

Date of Photo & Post: May 8, 2020

About the author

Lauren V. Macaraeg

Lauren V. Macaraeg is a children's book author and freelance writer. Check out her official website at www.laurenvmacaraeg.com to learn more about Lauren and her book Sinemadyika.

View all posts

Leave a Reply