CONGRATULATIONS, CATRIONA GRAY, MISS UNIVERSE 2018, MISS PHILIPPINES AT RAMPA QUEEN!

Congratulations, Catriona Gray, Miss Universe 2018, Miss Philippines at Rampa Queen! *slow-mo turn* πŸ‘ΈπŸ‡΅πŸ‡­πŸ‘‘πŸ’ƒπŸ‘  Proud kami, di lang dahil naiuwi mo ang korona para sa Pilipinas, pati na rin dahil:

1. Ang bongga mong rumampa! Nakakamangha ang slow-mo turn mo, ‘teh. Ilang beses kong nireplay.

2. Black belter ka. Pero sabi ko na nga ba either athlete or dancer ka kasi ibang level yung muscle control mo. Astig!

3. I loved the way that your outfits showcased Philippine culture in fresh, creative ways. Bet ko especially yung colorful Ifugao skirt na suot mo sa preliminary interview. Props to all the Filipino designers for their impressive work. Slay! πŸ”₯

4. May puso ka para sa mga bata. Gusto mo silang tulungan abutin ang kanilang mga pangarap. At gusto mong nakikitang ngumingiti ang mga bata sa gitna ng kahirapan ng buhay. Diyan palang, panalo ka na eh.

5. Bonus na lang at nanalo ka ng Miss Philippines tapos Miss Universe. Pero aminin natin, napakasayang bonus nito, woohoo!!! πŸ‘‘πŸ’ƒπŸ‡΅πŸ‡­

I do enjoy watching beauty pageants, pero sa totoo lang, bihira akong magpost about it. Siguro dahil I’m not totally comfortable with the idea of rating women with scores. I believe that beauty comes in different forms, shapes & sizes. Nanonood naman ako ng beauty contests since bata pa ako at di naman ako KJ pero di lang ako masyadong maingay about it. This time though, nakita ko na isang magandang aspeto ng beauty pageant ay binibigyan nito ng pagkakataon ang ilang mga kababaihan na ipakita sa iba kung ano ang depinisyon nila ng tunay na kagandahan. At sa palagay ko ay matagumpay na nagawa iyon ni Catriona dahil nagamit niya ang oportunidad na ibahagi sa mundo ang mga adbokasiyang malapit sa kanyang puso. At siyempre nabigyan niya ng karangalan ang ating bansa. Congrats ulit, Catriona Gray! πŸ‘πŸ’β€οΈπŸ‘‘πŸ‡΅πŸ‡­

At para sa mga napakaraming mga babae na may puso para sa Pilipinas at para sa mga batang Filipino, kahit na di man tayo kasing sikat, sexy, long-legged at katangos ng ilong gaya ni Cat (naks, feeling close! πŸ˜‚), kayo rin ay mga beauty queen para sa akin. Wish ko ay makita rin iyon sana ng nakakarami. Saludo, mga Pinay! πŸ‘ΈπŸ‘‘πŸ˜»πŸ‡΅πŸ‡­πŸŽ‰

Photo courtesy of INQUIRER.net #Repost

#MissUniverse2018 #MissUniverse #MissPhilippines #Beauty #Philippines #ItsMoreFunInThePhilippines

“CONGRATULATIONS, CATRIONA GRAY, MISS UNIVERSE 2018, MISS PHILIPPINES AT RAMPA QUEEN!” #LaurenMacScribbles written by #LaurenVMacaraeg #LaurenMacDoodles 12.17.2018

www.laurenvmacaraeg.com

www.laurenvmacaraeg.com/blog

www.facebook.com/laurenvmacaraegauthor

About the author

Lauren V. Macaraeg

Lauren V. Macaraeg is a children's book author and freelance writer. Check out her official website at www.laurenvmacaraeg.com to learn more about Lauren and her book Sinemadyika.

View all posts

Leave a Reply