
Welcome to #LaurenMacNotebook! Ako si #LaurenVMacaraeg, isang author, writer, at editor. Eto ang aking mga tunay na kuwento tungkol sa tunay na buhay dito sa tunay na mundo. 📒❤️✏️
Gusto ko pa rin magsulat ng mga kuwentong galing sa aking imahinasyon. Pero naiisip ko minsan: Bakit hindi rin ako magsulat ng mga tunay na istorya tungkol sa mga totoong taong aking nakakasalamuha, mga totoong bagay na aking nararanasan, mga totoong pusa’t asong nagbibigay ng ngiti sa aking mga labi, at mga totoong saloobin tungkol sa buhay?
Kahit ang buhay ko ay hindi ganoon ka-exciting, marami din naman akong makukulay na bagay na nakikita at mga interesanteng taong nakikilala. At kahit ako ay hindi ganoon kabuting tao, na-a-appreciate ko naman ang kabutihan ng iba kaya gusto ko silang bigyan ng pagpupugay.
Matagal ko nang gustong gawin ito pero naghihintay pa sana ako ng perfect na pagkakataon. Pero dahil ang daming reminders lately na maikli ang buhay, naisip kong i-go na kasi mabuti na yung nasubukan, perfect man o hindi.
Kaya eto, subukan nating magkuwentuhan. Magkukuwento ako at sana ay magkuwento rin kayo.
Salamat sa pag-unawa kung naging tahimik ako sa social media sa loob ng ilang buwan. Nabigyan ako nito ng pagkakataon na maging mas mapayapa at maging mas malinaw ang aking isip. At narito na ulit ako ngayon, nagbabalik.
Magsisimula ako sa #ThankYou Series, pero susubukan ko rin magsulat ng reflections, reviews, bloopers, atbp. kung bibigyan ako ni Lord Jesus ng pagkakataon, panahon, at kalakasan. 🙏
Kasama si Mama Uni & mga Cutiengs Cats, simulan na nating magsulat sa mga pahina ng #LaurenMacNotebook! 📝❤️😻
“A picture is worth a thousand words.” – Fred R. Barnard
“The real story is not the plot, but how the characters unfold by it.” – Vanna Bonta
“Don’t let perfection be the enemy of good.” – Voltaire
“My mouth will tell of Your righteous acts, of Your deeds of salvation all the day, for their number is past my knowledge.” (Psalm 71:15)
#LaurenMacNotebook #LaurenVMacaraeg #Author #RealStories #ThankYou #Family #Friends #Community #KindStrangers #MamaUni #MamaUniAndLauren #CutiengsCats #GodIsGood #Psalm1611 #ToGodBeTheGlory
“WELCOME TO #LAURENMACNOTEBOOK 2025” : Isinusulat ni Lauren V. Macaraeg kasama ni Mama Uni & Cutiengs Cats 08.26.2025. https://laurenvmacaraeg.com/2025/08/26/welcome-to-laurenmacnotebook-2025/
