Bakit ko iboboto si Leni? Dahil marami siyang nagawa para tumulong sa mamamayang Pinoy, kaya alam kong marami siyang magagawa pa. Hindi lang sa pangako at salita, kung di sa aksyon at gawa.
At dahil itinuturing niya ang sarili bilang tagapangasiwa ng pera ng gobyerno, hindi bilang may-ari nito. Kaya transparent siya tungkol sa impormasyon kung paano inilaan ang pera ng gobyerno at mga donasyon ng mga mamamayan.
Hindi ako mahilig sa politika at partido. Pero may pakialam ako sa bansa kaya iboboto ko ang mas higit pang may pakialam sa bansa. Kaya ko iboboto si VP Leni Robredo bilang Presidente at Senator Kiko Pangilinan bilang Bise Presidente.
Sana sa pagboto natin ngayong Mayo 9, ang isipin natin ay kapakanan ng bayan at ng bawat tao at pamilya. Pagpalain ng Diyos ang Pilipinas at lahat tayong mga Pilipino. 🙏🇵🇭🙌
– Lauren Macaraeg, Manunulat
#LeniKiko2022 #Philippines
*
Mini me for Leni! 🌸❤️🇵🇭 Bata pa lang ako, mahilig na sa pink 😉💖🌷
#LeniKiko2022 #Philippines #Psalm869
#Throwback #ChildhoodPhoto #LittleLauren #Pink