LABYU, TITO BABY MAC

Happy Father’s Day/Month in heaven sa aking Tito Baby Macaraeg! Miss pa rin kita, Mr. Kulit. Reposting my tribute from March 2021…

Labyu, Tito Baby. Lagi-lagi. Alam kong nasa langit ka na. Pero ang hirap ma-imagine ng mundo na wala ka. Maraming salamat sa pagpuno sa aming mundo ng kakulitan, kabutihan, at pagmamahal.

Kakulitan. Di ko malilimutan ang… Pagpapatawa mo sa amin nila Lola Nelly dahil sa mga baduy na sayaw at mga corny na hirit mo. Pagpasyal natin sa Star City nila Kevin. Pagsama mo sa akin sa roller coaster kahit namutla ka lol. Pagiging jologs natin nila Romel sa mga soshal na lugar. Pambabasa mo sa amin ni Kath gamit ang water gun… pero binuhusan ka namin ng tubig gamit ang tabo! Pang-a-alaska namin sa iyo na hindi ka lang tatay ni Mikelle Nelly, kung di lolo na rin niya. Peace!

Kabutihan. Di ko malilimutan ang… Laging pag-aaya mo sa amin ni Mama Uni na sumabay sa inyong sasakyan. Pag-aalala mo sa kalusugan namin. Pagtawag mo sa amin para mangamusta. Higit sa lahat, isa ka sa mga taong hindi nagbago ang tingin sa amin kahit na nakakaginhawa man kami o hindi.

Pagmamahal. Di ko malilimutan ang… Pagmamahal mo sa iyong pamilya, lalo na sa iyong mga anak. Pagmamahal mo kay Lola Nelly, sa iyong mga kapatid, at sa aming mga pamangkin mo. Pagmamahal at pagpapangiti mo sa mga maraming tao sa paligid mo.

Nandun ka sa mahahalagang okasyon ng buhay namin. Masaya. Malungkot. At iba pa. Nandun ka rin sa mga ordinaryong moments ng buhay namin. Mula pagkabata hanggang ngayon. Kaya hindi ko pa rin ma-imagine ang mundo na wala ka.

Alam kong bahagi na ng pagkatao namin ang kakulitan, kabutihan, at pagmamahal na masaya mong binahagi sa amin. Pero sana, sana andito ka pa rin.

Thank you sa pagiging mabuting tito sa akin at isang mabuting kapatid kay Papa at pati na rin kay Mama. At maraming salamat sa pagiging isa sa mga pangalawang tatay ko.

Minsan, sinasabi mong mana ako sa iyo. Mana naman talaga ako sa iyo… sa kakulitan. Sana balang araw, magmana rin ako sa iyo sa pagpapahalaga sa pamilya. Isa ka sa nagpapaalala sa akin na si Jesus ay Immanuel, “God With Us”. Maraming salamat sa time.

Ma-mi-miss kita araw-araw. We love you forever, pogi kong Tito Baby. Ang makulit mong pamangkin, Lauren.

Blog Post Title: LABYU, TITO BABY MAC

Blog Post Link: http://laurenvmacaraeg.com/2021/06/30/labyu-tito-baby-mac/

Date Reposted: June 30, 2021

Original Post: March 19, 2021

Written by: Lauren V. Macaraeg

*

Hi! I’m Lauren V. Macaraeg, a children’s book author, freelance writer, cat lover, music lover & foodie. Subscribe to my YouTube Channel & other official channels to be part of my adventures with Mama Uni, Cutiengs Cats, family, friends, readers & viewers in the world of books and beyond. Meowhugs! 🎵✏️😻❤️🐈💃👩‍🍳

LAUREN V. MACARAEG OFFICIAL:

Official Website & Blog: http://www.laurenvmacaraeg.com

YouTube/Vlog: Lauren V. Macaraeg https://www.youtube.com/channel/UCR0Gd0zEslwN97QH9LV2Duw

Goodreads: https://www.goodreads.com/laurenvmacaraeg

Facebook: https://www.facebook.com/laurenvmacaraegauthor

Instagram: https://www.instagram.com/laurenvmacaraegauthor

About the author

Lauren V. Macaraeg

Lauren V. Macaraeg is a children's book author and freelance writer. Check out her official website at www.laurenvmacaraeg.com to learn more about Lauren and her book Sinemadyika.

View all posts

Leave a Reply