May PARALLEL WORLDS sa pinapanood kong K-Drama. Dalawang mundong magkatulad ngunit magkaiba ang takbo ng istorya. Kung may kakambal na mundo siguro ang PILIPINAS ngayong pandemya, sa parallel world na ito ay: Inaalagaan ng lahat ng pinuno ang mga mamamayan at inuuna ang kanilang kapakanan. May kalayaan tayong mga Pilipino ipahayag ang ating opinyon at saloobin. Ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan ang numero unong prioridad ng lahat ng lider ng bansa.
Kung may parallel worlds ang Pilipinas, anong klaseng mundo ang gusto mo? Kaya lang hindi K-Drama ang buhay. At di natin sigurado kung meron nga talagang parallel worlds. Pero alam niyo kung ano ang sigurado tayo? Na nag-e-exist ang mundong ito. Kaya gawin natin ang maliit ngunit mahalagang bahagi natin para ayusin ang ating kaisa-isang mundo. Mga kapwa Pinoy, kapag bumoto kayo sa 2022, isipin mo: May parallel worlds man o wala, anong klaseng mundo ang gusto mong mabuo?
P.S. Oo, “The King: Eternal Monarch” ang Korean Drama na pinapanood ko. Sinasagot ko na kasi baka may magtanong hehe.
“By faith we understand that the universe was created by the word of God, so that what is seen was not made out of things that are visible.” (Hebrews 11:3)
#ParallelWorldsNgPilipinas #ParallelWorlds #Pilipinas #Philippines #Pandemic #2020 #2022
Blog Post: PARALLEL WORLDS NG PILIPINAS
URL Link: http://laurenvmacaraeg.com/2020/07/11/parallel-worlds-ng-pilipinas/
Written by: Lauren V. Macaraeg
Date: July 11, 2020