Alin ang mas mabuti? A) Sapat na public transportation vehicles na may social distancing measures o B) Kulang na kulang na pampublikong transportasyon kaya lalong nahihirapan at nagkakadikit-dikit tayong mga Pilipino na puwedeng maging sanhi ng lalong pagkalat ng COVID-19?!? Siyempre, “A”!* #CompassionForCommuters Tularan natin ang mahusay na ideya nina Mang Federico Tiozen Jr., ang jeepney driver na gumamit ng mga juice boxes – pati na rin ang ideya ng mga jeepney drivers sa Baguio na gumamit ng plastic sheets – para magkaroon ng social distancing ang mga pasahero. Kayo, baka may magandang ideya rin kayo? Kailangan natin ng public transportation na may social distancing measures dito sa Metro Manila at sa buong Pilipinas. Lalo ngayong GCQ.
Oo, hindi perpekto ang mga homemade solusyon na ito. Pero di hamak naman na mas mabuti at makatao ito kaysa sa magsiksikan ang mga tao sa kalye na walang masakyan. Mas mabuti ito kaysa sa himatayin ang mga tao sa pagod, lalo ang mga may sakit at mga senior citizens, gaya ng kawawang lolong si Ernesto Cuña na hinimatay pagkatapos ng 3 oras ng paghihintay sa kalsada. Mas mabuti ito kaysa sa hingalin sa hirap ang mga may kapansanan na napilitang mag-alay lakad sa kalye… kahit na di na nga sila halos makalakad, tulad ng isang nakasaklay na pilay na nagpipilit maglakbay sa kalye. At higit na mas mabuti ito kaysa may magka-stroke o heart attack, gaya ni Allan Artuz, isang frontliner security guard na na-stroke at NAMATAY SA PAGOD sa kaka-bisikleta mula Quezon City hanggang Rizal para makapagtrabaho noong ECQ.
Para sa mga nagsasabing dapat unahin ang health issue kaysa public transportation issue: Ang public transportation issue AY isang mahalagang health issue. Kung may mga taong namamatay, hinihimatay, bumabagsak ang katawan, humihina ang immune system, at na-e-expose lalo sa maraming tao na posibleng carrier ng coronavirus dahil hindi sila mabigyan ng ligtas at maayos na paraan para makapunta sa trabaho at umuwi sa bahay, paano ito hindi magiging health issue?!? Malinaw pa ito sa sikat ng araw na puwedeng magdulot ng heat stroke sa mga commuters.
Maawa naman po tayo sa mga kababayan natin. Pagod na sila sa trabaho at sa trabahong bahay. Wag na natin dagdagan ang pagod nila sa pamamagitan ng pahirapan sa pagsakay o sa sapilitang paglalakad. Wag na natin pahinain ang mga katawan nila sa sobrang stress at pagod. Tulungan natin silang dahan-dahang makabangon, hindi lalo-lalong mahirapan, ngayong pandemya.
At maawa rin tayo sa ating mga sarili. Kapag lalong kumalat ang COVID-19, pare-pareho tayong maaapektuhan. Siguro nga mas may posibilidad na unang maaapektuhan kaming mga walang sariling sasakyan. Pero di garantisadong di rin kayo maaapektuhan sa loob ng inyong mga komportableng sasakyan.
Kahabagan tayo ng Diyos.
*Ang mga sumagot ng “B” ay malamang hindi pa nakakaranas mag-commute o mag-alay lakad. Hindi naman masamang magkaroon ng sasakyan, pero sana ay unawain niyo rin po ang kalagayan at kalusugan ng mga di nabiyayaan ng sasakyan.
#CompassionForCommuters #PublicTransportationWithSocialDistancingMeasures #GCQ #StopTheCoronavirusFireFromSpreading #MassTestingNow #MassTestingPH #Philippines #Pilipinas #2020 #ECQ #MECQ #COVID19 #Coronavirus #LockdownDiary2020 #Lockdown #ExpressDontRepressYourRealFeelings #RealTalk #MagpakatotooKa #Prayer #LaurenVMacaraeg
Blog Post Title: #COMPASSIONFORCOMMUTERS PUBLIC TRANSPORTATION W/ SOCIAL DISTANCING MEASURES
Written by: Lauren V. Macaraeg ✏️
PSA Photo Collage by: Lauren V. Macaraeg. Original Photos courtesy of: MovePH & Rappler 📸
Date Posted: June 3, 2020