By Lauren V. Macaraeg
Thank you, frontliners, for living & dying for others like Jesus. Ngayon lang ako nakaranas ng Holy Week kung kailan napakaraming tao ang nag-aalay ng buhay nila gaya ni Hesus.
Thank you sa mga doctors, nurses, health care workers & hospital staff who are risking & even giving their lives to save lives. Salamat for literally fighting for the lives of others & your own. Mga bayani po kayo.
Thank you sa mga farmers, palengke vendors, supermarket staff, food delivery riders, atbp. Salamat po sa pagsisipag at pagtratrabaho niyo kahit sa panahong ito para lang masiguradong may makakain kaming lahat.
Thank you sa mga basurero at maintenance crew. Kahit madalas ay hindi kayo nabibigyan ng papuri, mahalaga po kayo kasi kayo ang humaharap sa mga basura at kalat para manatiling malinis at ligtas ang aming kapaligiran.
Thank you sa mga bank employees, police, military at iba pang essential workers sa patuloy na pagbibigay ng inyong serbisyo hanggang ngayon. Salamat sa efforts niyo para maging maayos ang takbo ng ating lipunan.
Thank you sa mga leaders at politicians na totoong may puso para sa mga tao. Salamat dahil ipinapakita niyo ang malasakit niyo di lang sa salita, pero pati na rin sa konkretong gawa.
Thank you sa lahat ng mga mamamayan/private citizens na pinipiling magpakita ng compassion, help & kindness sa panahong ito, sa malaki o maliit mang paraan. Salamat at iniisip niyo pa rin ang iba kahit pwedeng sariling survival niyo na lang ang intindihin niyo.
Thank you sa Iyo, Jesus, sa pagbigay ng Iyong buhay para kami ay mabuhay, dito man sa lupa o sa piling mo sa langit. Sana ay pagalingin at protektahan Niyo lahat kaming mga tao, ang aming bansa at ang aming mundo mula sa sakit ng katawan gaya ng COVID-19 at sa sakit ng kaluluwa gaya ng kasamaan. Para magkaroon kami lahat ng bagong pagkakataon na mabuhay rin katulad mo. Kahit imposible ang tularan ka gamit ang sarili naming lakas, salamat at Ikaw ang nagbibigay ng lakas ng katawan at pagmamahal sa puso naming mga tao para sundin ang Iyong mga yapak.
Kung ang maliit na cross na nakita ko sa park noon ay nagpaalala sa akin sa mas malaking cross ni Hesus, ang sakripisyo naman ng mga frontliners ay nagpapaalala sa akin sa sakripisyo ni Hesus. Maraming salamat po.
A Blessed Holy Week from Lauren, Mama Uni & Cutiengs Cats. 🇵🇭🌄🙏❤️⛑️🙌
#Jesus #Frontliners #Life #HolyWeek #Health #MentalHealth #LockdownDiary2020 #Lockdown #COVID19 #ECQ #MamaUniAndLauren #LaurenVMacaraeg #Family #CutiengsCats #Philippines #2020 🇵🇭🌄🙏❤️⛑️🙌
“Greater love has no one than this: to lay down one’s life for one’s friends.” (John 15:13)
“And walk in the way of love, just as Christ loved us and gave Himself up for us as a fragrant offering and sacrifice to God.” (Ephesians 5:2)
*
Blog Post Title: THANK YOU, FRONTLINERS, FOR LIVING & DYING FOR OTHERS LIKE JESUS #HOLYWEEK 2020
Written by: Lauren V. Macaraeg ✏️
Photos by: Lauren V. Macaraeg 📸
Date of Photo: February 2, 2020. I was surprised to find this mini cross lying on the ground in a garden at Quezon Memorial Circle…
Date Posted: April 12, 2020
*
Hi! I’m Lauren V. Macaraeg, a children’s book author, freelance writer and cat lover. Subscribe to my YouTube Channel and other official channels to be part of my adventures with Mama Uni, Cutiengs Cats, family, friends & readers in the world of books and beyond. Meowhugs! ✏️😻❤️🐈💃
LAUREN V. MACARAEG OFFICIAL:
Official Website & Blog: http://www.laurenvmacaraeg.com
YouTube: Lauren V. Macaraeg https://www.youtube.com/channel/UCR0Gd0zEslwN97QH9LV2Duw
Goodreads: https://www.goodreads.com/laurenvmacaraeg