By Lauren V. Macaraeg
Sumali kaming Lampara Books writers sa Room to Read Writers’ Workshop 2019 @ Bohol Bee Farm, September 29-October 4, 2019 para magsulat ng mga kuwentong pambata. Pero para ring kuwento ang 6 na araw na kami’y magkakasama! Maraming salamat sa tiwala, suporta at friendship niyo. Sa inyong galing, saya at talino, para kayong mga buhay na libro. 📚✏️❤️🏖️😻🥗🍽️📖🌞🌊
“Choose Your Own Writing Adventures! Starring Story Explorer, Sir Jun Matias” – Maraming salamat po, Sir Segundo “Jun” Matias, sa pag-encourage niyo sa amin na lumipad sa kalawakan ng aming imahinasyon at creativity! Inspirado kaming magsulat ng mga kakaibang kuwentong pambatang may kabuluhan nang walang takot dahil sa inyong husay, suporta at pangunguna. Salamat din po at game kayo sa aming mga kulitan at trip, gaya ng Lampara group wave lol. 🌊 Saludo kami sa aming Story Explorer! 🚀
“Editor Ko Yan! Starring Ms. Aiko” – Salamat sa aming cute at masayahing editor na si Ms. Aiko sa pagsuporta sa aming writing dreams at sa pagsagot sa sabay-sabay naming mga tanong tungkol sa workshop at aming mga istorya. Gumanda ang aming mga kuwentong pambata dahil sa tulong at galing niyo bilang editor (idagdag niyo pa ang inyong pagpupuyat haha). Salamat din sa bonding, sharing at openness, di lang bilang isang editor, kung di pati na rin bilang isang kaibigan. Basta kasama kayo sa prayers ko! 📝
“Ang Story First Aid Kit ni Ms. Melai” – Kapag may gusot ang aming mga kuwento, handang-handa kang ilabas at gamitin ang iyong “story first aid kit”, ang iyong talento bilang isang editor. Salamat, Ms. Melai, sa pagtulong sa amin para “gamutin” at “palakasin” ang aming mga kuwentong pambata. Nag-enjoy din ako sa mga usapan natin tungkol sa book storage ideas. Sa uulitin, my fellow bookworm! ⛑️
“Antay-Antay kami sa Airport ni Ms. Alen” – Ang mahabang paghihintay natin sa Bohol airport ay naging magaan at nakakalibang dahil sa ating mga chickahan. Salamat, Ms. Alen, sa airport bonding at sa creative ideas para sa mga ilustrasyon ng aming kuwento. Hanggang sa susunod na paglipad! ✈️
“Ang (Nova) Villa ni Vonggang-vonggang Ms. Zarah” – Nagiging makulay at bongga ang mundo tuwing dadating ang aming senyora. Salamat po, Ms. Z, sa pag-tour sa amin sa inyong Turkish na kaharian sa Bohol, sa inyong concern at pagdalaw noong ako’y nagkasakit kasama nina Tito Dok Luis, atbp., at sa paulit-ulit na pagpapangiti sa aming lahat dahil sa inyong nakakaaliw na mga kuwento. Salamat po sa friendship. ❤️ Mabuhay ang aming Madam Zarah! 👸
“Ginto ni Genaro” – Ikaw ay isang creative millionaire dahil nag-uumapaw ang diwa mo sa mga creative ideas. Salamat sa malayang pagbabahagi mo ng mga ginto ng iyong kaisipan upang pagyamanin rin ang aming mga kuwento, Genaro. Isang bagsak para sa aming class valedictorian! ✨
“Guess That Ice Cream Flavor! Kain-kain Pag May Time with Raywin” – Dahil natuwa kami na ka-chat mo ang astig mong nanay habang tayo’y kumakain, napa-video chat din tuloy ako sa nanay at tatay ko habang nasa Bohol haha. Salamat, Raywin dude, sa iyong pag-encourage tungkol sa pagsusulat at sa malaking tulong ng pagbubuhat ng aking bahay, este, mga maleta. 🎒 Sana ay mas marami pa tayong sabay na huhulaang flavor ng ice cream someday. Calamansi ice cream cheers! 🍨
“Ang Kamangha-manghang Kape ni Norman” – Walang humpay na kasiyahan ang dala ni Norman at ng kanyang kamangha-manghang kape sa aming buhay sa Bohol. Salamat sa pagpapatawa sa amin para magka-energy kami kahit low batt na ang mga Batang Lampara, kahit madaling araw na ay halos maiyak pa rin kami sa tawa. 😂 Salamat din, dude, sa pagtulong sa pagbubuhat ng mga bag ko at sa suporta mula KUTING days hanggang ngayon. Coffee cheers to more writing adventures! ☕
“Ang Roommate kong si Reina” – Ang 6 na araw na tayo ay magkasama sa ating “Butterfly Room” a.k.a. Bilar sa Bohol Bee Farm ay parang magkahalong mini-party, brainstorming, writing session, sleepover, atbp. Di man tayo magkakilala sa umpisa, sari-sari ang ating pinagsamahan sa huli. Salamat, Reina, sa pagiging masayahin at considerate na roomie sa hirap at ginhawa ng ating workshop lol. Mapa-nobela man o kuwentong pambata ang isulat mo, suportahan natin yan. Follow your dreams lagi! 🏡
Salamat sa mga baliwan, ingay at saya. 😂 Salamat sa lahat ng mga adventures at aral, papunta sa Bohol hanggang pauwi ng Manila.
Hanggang sa susunod na brainstorming-slash-kulitan…
isapuso natin ang ating mga natutunan sa Bohol workshop para lalong mag-level up ang pagiging batang matalino at batang masigla.
Salamat, Lord, sa lahat ng biyaya. Proud akong maging isang Batang Lampara!
– Meowhugs & prayers from Lauren 😻✏️🐈
“Every good and perfect gift is from above.” (James 1:17)
*
“Kuwentong Musmos: Palihan para sa Pagsusulat ng Kuwentong Pambata / Writing Storybooks for Beginning Readers Writers’ Workshop” by Room to Read / RtR & Adarna House (September 29-October 4, 2019) @ Bohol Bee Farm, Panglao Island, Bohol, Philippines
LAMPARA BOOKS / LAMPARA PUBLISHING HOUSE, INC.
Publisher: Mr. Segundo “Jun” Matias
Editors:
Ms. Aiko Buduan-Salazar
Ms. Melanie “Melai” Esguerra
Designer: Ms. Alen Mangabat
Writers:
Ms. Zarah Gagatiga
Genaro Ruiz Gojo Cruz
Mark Raywin Tome
Mark Norman Boquiren
Reina Peralta
Lauren V. Macaraeg
Pumunta sa Lampara Books official website sa http://www.lamparabooks.com.ph para tuklasin ang tungkol sa aming mga librong pambata. I-follow ang Lampara Books Facebook page sa https://www.facebook.com/lamparabooks/ para maging updated sa aming mga events at adventures.
*
“LAMPARA BOOKS @ ROOM TO READ WRITERS’ WORKSHOP 2019 @ BOHOL BEE FARM, PHILIPPINES (SEPT. 29-OCT. 4) (PART 2)” is Part 2 of my Room to Read Writers’ Workshop Blog Post Series. This is Photo Album No. 2: Lampara Books on FB.
Watch out for my upcoming blog & vlog posts for more moments from the RtR Writers Workshop!
*
Blog Post Title: “LAMPARA BOOKS @ ROOM TO READ WRITERS’ WORKSHOP 2019 @ BOHOL BEE FARM, PHILIPPINES (SEPT. 29-OCT. 4) (PART 2)”
Written by: Lauren V. Macaraeg
Photos by: Lauren V. Macaraeg 📸
Date Posted: October 16, 2019
Event Name: “Kuwentong Musmos: Palihan para sa Pagsusulat ng Kuwentong Pambata / Writing Storybooks for Beginning Readers Writers’ Workshop” by Room to Read / RtR & Adarna House
Event Dates: September 29-October 4, 2019
*
#LamparaBooks #BatangLampara #LamparaPublishingHouse #RoomToRead #Adarna #AdarnaHouse #Anvil #AnvilPublishing #Hiyas #OMFLit #OMFLiterature #WritersWorkshop #Workshop #Conference #Bohol #Panglao #BoholBeeFarm #Beach #Philippines
#LaurenVMacaraeg #Books #ChildrensBooks #KidsBooks #Author #Illustrator #Writing #WritersLife #ReadersLife #Kids #Family #Cats #Live4Infinity #LifeProject #LaurenMacDoodles #AllForHim
*
Hi! I’m Lauren V. Macaraeg, a children’s book author, freelance writer and cat lover. Subscribe to my YouTube Channel and other official channels to be part of my adventures with Mama Uni, the Cutiengs Cats, family, friends & readers in the world of books and beyond.
LAUREN V. MACARAEG OFFICIAL:
Official Website & Blog: http://www.laurenvmacaraeg.com
YouTube: Lauren V. Macaraeg https://www.youtube.com/channel/UCR0Gd0zEslwN97QH9LV2Duw
Goodreads: https://www.goodreads.com/laurenvmacaraeg