#BLOOPERS: AKLAT AWARDS 2016: BEFORE & AFTER #LAURENMACKULIT

By Lauren V. Macaraeg

So ano ang ginawa ng isang “kagalang-galang” na writer na tulad ko before and after Aklat Awards 2016? ? Balikan natin ang bloopers!

Ayan, kunyari may poise ako. Si Mama Uni ang tunay na poised!

 

BEFORE:

Nakipaghabulan sa pusakal.

Sinubukan kong magpahinga the night before the Aklat Awards event kasi hindi maganda ang pakiramdam ko. Pero nung binuksan ko ang pinto para sumilip sa labas… may isang kuting na mabilis na lumusot sa pinto! Hinabol ko ang maliit na pusa para palabasin ito pero enjoy siyang pumasyal sa loob ng bahay kaya medyo nagtagal kami.

“Pambihira naman,” ang sabi ko habang humihingal sa kakatakbo. “Ang soshal ko talaga! Ang gawain ko bago ang isang importanteng event ay makipag-patintero sa makulit na kuting na ito…”

Ang makulit na kuting na nakipaghabulan sa akin noong Aklat Awards 2016 Eve ❤ Feeling “bes”! ? #BessieCat

Pero maya-maya lang, aba, hindi na ako ang humahabol sa kanya. Ako na ang hinahabol niya!!! Tapos feeling close pa siya. Ngiyaw nang ngiyaw as if kinakausap ako. “Teka, ano tayo, mag-bes?!?” ang sabi ko sa ubod ng kulit na kuting.

Pero in fairness, sige na nga, cute siya.

 

AFTER:

Muntik nang malaglag sa swimming pool.

Nag-photo op kami ng illustrator friend kong si Domz pagkatapos ng Aklat Awards 2016 para masaya. Habang nakikipagkulitan, nag-pose ako na kunyari ay malalaglag sa swimming pool… tapos nawalan ako ng balanse at muntik na talagang malaglag sa swimming pool ?

Yung umaarte ka lang na mahuhulog ka sa swimming pool… tapos muntik ka na nga talagang mahulog sa pool! ?

Buti na lang naayos ko ang balanse ko nung bandang huli kung hindi, wet look ang abot ko! Kaya tuloy-tuloy lang ang photo op kasama ang writer friends na si Ms. Zarah, Sir Rhandee at Lian.

Poolside Posing, Part 1 with fellow writer Lian Kyla Dyogi at illustrator friend Domz Agsaway

Poolside Posing, Part 2 with kiddie lit friends Ms. Zarah Gagatiga, Sir Rhandee Garlitos and Domz Agsaway

Bookworms united! ?

Natapilok nang sumabit ang paa sa Aklat Awards standee.

Maraming tao ang umiikot-ikot sa Ayala Hillside Social Hall pagkatapos ng Aklat Awards program. Para umiwas na may mabangga habang naglalakad kami ni Mama Uni, sumiksik ako sa isang tabi… at sumabit ang paa ko sa isang Aklat Awards standee. Natapilok ako pero buti ay hindi natuluyan na malaglag sa sahig.

O di ba! Nanalo nga ako bilang Most Favorite Writer (at natalo sa Most Favorite Children’s Book lol), pero muntik naman akong sumemplang sa harapan ng madlang pipol ? Isa talaga akong “elegant” at “dignified” na author!

Aklat Awards 2016! Kasama sina Sir Segundo “Jun” Matias, Ms. Aiko Salazar at Mama Uni

Salamat sa inyong lahat sa pagiging bahagi ng buhay ko, seryoso man o kulitan. Sana ay maging masaya at pinagpala ang inyong 2017. Happy Summer!

#AklatAwards2016 #Bloopers #BeforeAndAfter #BehindTheScenes #BTS #AklatAwards #MostFavoriteWriter #MostFavoriteChildrensBook #BatangLampara #LamparaBooks #WritersLife #ReadersLife #BookwormBites #Books #Cats #AttackOfTheCute #LaurenVMacaraeg # #LaurenMacKulit #LaurenMacScribbles #LaurenMacDoodles

#Event: Aklat Awards 2016, Ayala Hillside Social Hall, 12.17.2016

www.facebook.com/laurenvmacaraegauthor

www.laurenvmacaraeg.com

www.laurenvmacaraeg.com/blog

About the author

Lauren V. Macaraeg

Lauren V. Macaraeg is a children’s book author and freelance writer. Check out her official website at www.laurenvmacaraeg.com to learn more about Lauren and her book Sinemadyika.

View all posts

Leave a Reply